Isinailalim na sa community quarantine ang Batangas City simula ngayong araw, March 15.
Ito ay makaraang makapagtala ng dalawang kaso ng COVID-19 sa probinsya.
Ayon kay Batangas Governor Hermilando Mandanas, epektibo ang community quarantine hanggang April 14, 2020.
Sinuspinde na rin hanggang sa susunod na buwan ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong eskwelahan maging mga unibersidad doon.
Pangungunahan ng Philippine National Police (PNP) at mga local officials sa lalawigan ang pagpapatupad ng panuntunan para matiyak na mananatili lamang sa kanilang mga bahay ang mga estudyante.
Hindi naman sususpindihin ang land at sea travel papasok at palabas ng batangas para sa lahat ng mga empleyado.
Lahat ng pasahero sa mga puv ay kailangang magpakita ng company i.d. bago sila payagang makabiyahe.