Batangas gov’t, nanawagan ng donasyong breast milk at feeding bottles

Umapela ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas ng tulong partikular ang breast milk at feeding bottles para sa mga infant o sanggol na nanatili sa evacuation centers kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon sa Batangas PIO, nangangailangan sila ng breast milk at breast milk pouches.

Sinabi naman ni Health Undersecretary Eric Domingo – na ang breastfeeding ay mabuti at ligtas para sa mga infants.


Hindi aniya inirerekomenda ang formula milk lalo na sa oras ng kalamidad dahil na rin sa kawalan ng supply ng malinis na tubig.

Bago ito, iginiit ng Department of Science and Technology (DOST) Region 4-A hindi dapat idino-donate ang infant formula at feeding bottles dahil posibleng makasama lamang ito sa kalusugan ng mga bata.

Facebook Comments