Huling Indonesian na bihag ng Abu Sayaff, nasagip

105

Nasagip ng Philippine Security Forces ang huling Indonesian na bihag ng Abu Sayaff Group.

Ito ay matapos maglunsad ng pinaigting na operasyon laban sa bandidong grupo sa bayan ng Indanan, Sulu.

Ayon sa AFP Western Mindanao Command (WestMinCom) Commander, Lt/Gen. Cirilito Sobejana – nailigtas nila ang mangingisdang si Muhammad Farhan sa Barangay Bato-Bato matapos makatanggap ng impormasyon mula sa mga lokal na residente.

Bago ito, naiulat ding nakatakas si Farhan sa mga bumihag sa kanya sa Kagay, Indanan at tumakbo ng ilang oras bago nakarating ng Bato-Bato.

Isinailalim sa medical examination si Farhan at sasailalim din sa treatment at debriefing.

Si Farhan ay dinukot ng Abu Sayaff noong Setyembre 2019 kasama ang kapwa Indonesian na sina Marahudin Lunani at Samion Bin Maniue.

Una nang napalaya sina Lunani at Maniue noong December 2019.




Facebook Comments