Batangas nakapatala ng 2 kaso ng Omicron subvariant

Nakapagtala na ng dalawang kaso ng Omicron subvariant ng COVID-19 ang isang ospital sa Batangas.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Benito Atienza, Philippine Medical Association (PMA) President na ang dalawang nakitaan ng Omicron subvariant ay galing sa Canada at kasalukuyang ginagamot na sa ospital.

Ayon kay Dr. Atienza, hindi agad nadi-detect ang bagong subvariant dahil kakaunti na lamang ang nagpapa-test sa COVID-19.


Mungkahi nitong paigtingin muli ang testing, tracing at treatment para hindi kumalat ang kontaminasyon ng panibagong subvariant.

Kasunod nito pinapayuhan din ni Atienza ang mga galing sa ibang bansa na mag-self quarantine muna at magpasuri pagkarating sa bansa para makasigurong walang bitbit na virus.

Umaasa rin ang PMA na hindi mauulit pa ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa upang wala ng ipatupad na malawakang lockdown.

Facebook Comments