Binata, Nalunod-Patay sa Ramon, Isabela

25
Cauayan City, Isabela- Patay ang isang construction worker matapos malunod sa irrigation canal sa Ramon, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng Ramon Police Station, kinilala ang biktima na si Reynante Peralta, binata at residente ng Purok 4, Brgy. Oscariz sa nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon, nagtungo sa sementeryo ang biktima upang tumulong sa paggawa ng nitso at ilang saglit ng Makita naman nito ang mga kakilala habang naliligo sa irigasyon.

Nagdesisyon na maligo ang biktima at makalipas ang ilang minuto ay hindi na nakitang umahon ang biktima sa tubig.

Paalala naman ng mga awtoridad sa publiko na maging maingat upang maiwasan ang anumang insidente.

Facebook Comments