Puspusan ang ginagawang paghahanda ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) kasunod ng pabago-bagong kondisyon ng Taal Volcano.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Batangas PDRRMO Head Lito Castro na nailikas na nila ang lahat ng residente sa isla ng Bulkang Taal.
Mahigpit din ang pagmamanman ng Philippine Coast Guard (PGC) sa lawa para matiyak na walang magtutungo sa isla at ligtas ang mga nangingisda.
Samantala, nasa 169 na volcanic earthquake kabilang ang 139 na volcanic tremor ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Patuloy ring nakapagtatala ng unti-unting pamamaga sa bulkan mula nang sumabog ito noong Enero 2020.
Facebook Comments