Batangas Rep. Ralph Recto, itinalagang kalihim ng DOF

Kinumpirma ng MalacaƱang ang pagkakatalaga kay Batangas Representative Ralph Recto bilang kalihim ng Department of Finance (DOF).

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cheloy Garafil, manunumpa si Recto kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Palasyo bukas.

Papalitan ni Recto sa DOF si Sec. Benjamin Diokno.


Hindi pa inaanunsyo ng MalacaƱang kung saan ililipat si Diokno o kung may hahawakan itong bagong posisyon sa pamahalaan.

Kasabay nito, sinabi ni Garafil na nakatakda ring manumpa kay Pangulong Marcos si Frederick Go bilang Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs.

Facebook Comments