Manila, Philippines – Itinataguyod ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines ang House Bill 5818 na nagbabawal sa mga amo na maglagay ng notice of termination sa mga diyaryo ng kanilang mga mangagawa na lumabag sa mga company rules, policies at regulations.
Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, naniniwala sila na sapat na ang mga sanction and penalties na binuno ng mga empleyado.
Hindi na aniya dapat pang ipahiya ang mga ito pa sa alinmang Media platform.
Magbibigay ito ng panibagong buhay sa mga empleyadong ito na pinagkaitan ng panibagong pag asa na makapaghanapbuhay para sa kanilang pamilya.
Sa sandaling maging ganap na batas, obligadong bayaran ng mga amo ang kanilang dating empleyado ng mula P10,000 thanggang P50,000 bilang damages o bayad sa pinsala nila alinsunod sa iuutos ng korte.
Ito ay maliban sa maaring pagkakaso ng criminal charges sa mga lalabag na amo.