BATAS MILITAR | Dahilan sa pagpapalawig ng martial law, cut and paste lamang – Rep. Zarate

Manila, Philippines – Tinawag ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate na cut and paste lang ang motibo ng gobyerno na palawigin muli ang martial law sa Mindanao sa ikatlong pagkakataon.

Iginiit ni Zarate na wala nang bago sa mga rason at nabanggit na sa ikalawang extension noong nakaraang taon.

Pinasinungalingan rin ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro ang claim ng militar na walang nangyaring human rights violations sa ilalim ng martial law declaration dahil siya ay isa nang halimbawa dito.


Marami aniyang Lumad schools na ipinasara ng mga awtoridad at walang habas na nang-aaresto maging ng mga grupong nagsasagawa ng solidarity mission.

Idinagdag naman ni Anakpawis Representative Ariel Casilao na mayroon nang 155 cases na isinampa sa Commission on Human Rights (CHR) kaugnay sa deklarasyon ng martial law sa rehiyon.

Facebook Comments