BATAS MILITAR | Martial law sa Mindanao, dapat na magtuloy-tuloy – AFP chief

Malaking hamon hindi lamang para sa mga law enforcement agencies kung hindi sa lahat ang bantayan ang Pilipinas mula sa mga terorista na nagbabalak umatake.

Ito ang binigyang diin ng bagong AFP Chief of Staff na si Lt/Gen. Benjamin Madrigal makaraang maupo siya kahapon bilang bagong hepe ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas

Ayon kay Madrigal, bilang naging pinuno na rin ng EASTMINCOM o Eastern Mindanao Command, nakita niya malaki na rin ang naging tulong sa mga residente ng Mindanao ng pagpapalawig ng martial law.


Aminado si Madrigal na mayroon ngang mangilan-ngilang mga dayuhang terorista na nagtutungo sa Pilipinas gamit ang backdoor, kaya at tiwala siya na posibleng maokupa na ng mga ito ang buong Mindanao sa sandaling tuluyan nang alisin ang idineklarang batas militar.

Facebook Comments