Manila, Philippines – Inaasahan ni Senate President Koko Pimentel na sa Lunes ay maisusumite na sa Senado ang letter request para sa pagpapalawig ng Martial Law sa buong Mindanao.
Pahayag ito ni Pimentel makaraang irekomenda sa Malacañang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang extension ng Martial Law sa Mindanao.
Buwan ng Mayo ng ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas militar sa Mindanao na magtatapos na ngayong December 31.
Ayon kay Senator Pimentel, kailangan pa niyang talakayin sa mga kasamahang senador ang nabanggit rekomendasyon.
Sabi naman ni Committee on National Defense and Security Chairman Senator Gringo Honasan, kailangang dumaan sa proseso o aprubahan ng kongreso ang nabanggit na rekomendasyon.