Batas na magtataas sa P10K teaching allowance ng mga guro, nilagdaan na ni PBBM

Ganap nang batas ang panukalang magtataas sa P10,000 teaching allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang RA 11997 o Kabalikat sa Pagtuturo Act sa Palasyo ng Malacañang.

Sa ilalim ng batas, mula sa P5,000 ay gagawin nang P10,000 taunang teaching allowance ng mga guro na maaaring gamitin sa pagbili ng teaching supplies at materials tulad ng chalk, incidental expenses, at iba pang gastos kapag nagtuturo.


Gayunpaman, sa School Year 2025-2026 pa magiging epektibo ang batas dahil naitakda na noong isang taon pa ang gagamiting budget ng DepEd para sa School Year 2024-2025.

Facebook Comments