Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11369 o nagdedeklara sa November 17 kada taon bilang National Student’s Day.
Ang National Students’ Day ay isasabay sa International Students’ Day na layuning bigyang pagkilala ang hindi matawarang kontribusyon ng mga estudyante sa Philippine Democracy at pagtuturo ng leadership sa mga Pilipinong mag-aaral.
Magsisilbing Lead Agency ang National Youth Commission (NYC) para sa pagpapatupad ng mga taunang programa.
Ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) ay may mandatong suportahan ang NYC sa pangangasiwa at pagsusulong ng mga aktibidad sa lahat ng Public at Private Schools.
Facebook Comments