
Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na tuloy na ang pag-uurong sa parliamentary elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sinabi ito ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ngayong Biyernes ng hapon, sa ginawang pirmahan ng Memorandum of Agreement para sa Mall Voting Program at Contract Signing kasama ng Telecommunication Companies para sa halalan.
Ayon kay Garcia, pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bilang batas ang panukalang nagpapaliban sa BARMM elections.
Ibig sabihin, sa darating na Oktubre na idaraos ang halalan sa Bangsamoro sa halip na kasabay ng midterm elections sa darating na Mayo.
Sabi pa ni Garcia, madidikit naman ito sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Sa ilalim ng ruling noon ng Korte Suprema, dapat maisagawa ang susunod na BSKE sa unang Lunes ng December 2025.









