Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na layong patawan ng buwis ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Sa ilalim ng Republic Act 11590, magkakaroon ng 5% na gaming tax sa kinikita ng offshore gaming licenses habang 25% naman na withholding tax para sa mga foreigner na empleyado.
Ang kabuuang kita na makokolekta naman mula sa gaming tax ay gagamitin para sa implementasyon ng Universal Healthcare Law.
Bukod dito, makikinabang din mula sa 20% na kikitain sa POGO ang health facilities enhancement program at ang natitirang 20% ay mapupunta sa sustainable development goals.
Dahil sa ipinasang batas, inaasahan namang makakakolekta ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P4 billion na buwis mula sa POGO ngayong taon.
Facebook Comments