Wednesday, March 25, 2026

Batas na nagtatakda ng bagong petsa ng BARMM elections, pirmado na

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12317 na nagtatakda ng bagong petsa ng halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa ilalim ng batas, gaganapin ang unang regular na halalan sa ikalawang Lunes ng Setyembre 2026.

Pagsapit ng 2031, isasabay na ang halalan sa BARMM sa pambansa at lokal na eleksyon tuwing ikalawang Lunes ng Mayo, at uulitin ito kada tatlong taon.

Layunin ng batas na ihanay ang halalan sa Bangsamoro sa pambansang iskedyul para sa mas maayos at sabayang proseso ng eleksyon.

Facebook Comments