Saturday, May 30, 2026

House Committee on Justice, nagpasya na paharapin sa impeachment hearings ang umano’y dating bagman ni VP Duterte na si Ramil Madriaga

Nagpasya ang House Committee on Justice na pinamumunuan ni Batangas Rep. Gerville Luistro na paharapin sa impeachent hearings ang dating bagman umano ni Vice President Sara Duterte na si Ramil Madriaga.

Pinapasumite rin ng Komite ang authenticated transcripts, video recordings, at related documents kaugnay sa original na sinumpaang salaysay ni Madriaga.

Ayon kay Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila De Lima na siyang endorser ng ikatlong impeachment complaint laban kay VP Sara, dapat ipresenta ni Madriaga sa komite ang documentary o anomang ebidensyang mayroon ito kaugnay sa pagtanggap, pag-iingat, at pamamahagi ng confidential funds.

Kasabay nito ay pinagtibay rin ng komite ang mosyon ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno hinggil sa pagtiyak ng seguridad ni Madriaga.

Hirit ni Diokno, dagdagan ng National Bureau of Investigation ang security protection kay Madriga habang nakabilanggo sa Camp Bagong Diwa, Taguig.

Bukod dito ay titiyakin din ang seguridad ni Madriaga sa kanyang pagbiyahe patungo sa Kamara at habang siya ay nagbibigay ng testimonya sa impeachment hearings.

Facebook Comments