Batas na nagtatakda ng fixed term sa military officials, welcome sa AFP

Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na napapanahon ang ginawang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na amyendahan ang batas na nagtatakda ng fixed term para sa mga pinuno ng major services ng militar.

Ito’y makaraang lagdaan ng pangulo ang Republic Act 11939 na nag-aamyenda sa Republic Act 11709 kung saan, gagawin na lamang dalawang taon mula sa kasalukuyang tatlong taon ang termino ng major service commanders.

Sakop nito ang commanding generals ng Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Air Force gayundin ng superintendent ng Philippine Military Academy.


Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, ang mga pagbabagong ito ay magpapatibay sa professionalism ng militar.

Sa pamamagitan din aniya nito ay mapananatili ang dynamic at progressive system ng promosyon sa hanay ng militar at mabibigyan din ng pagkakataon ang lahat ng senior officials ng AFP na ipakita ang kanilang husay sa pamumuno.

Facebook Comments