Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, nagbitiw na bilang miyembro ng Lakas-CMD simula ngayong araw

Inihayag ngayon ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na nagbitiw na siya bilang miyembro ng Lakas-CMD simula ngayong araw.

Ayon kay VP Sara,nagpapasalamat siya sa lahat ng mga miyembro ng Lakas-CMD sa kanilang ipinakitang suporta na ang pagkakaisa ay posibleng matupad ang kanilang mga pangarap para sa mga kababayan nating Pilipino at ng inang bayan.

Paliwanag ng pangalawang pangulo, walang mahalaga sa kanya kundi ang paglingkuran ang Sambayanang Pilipino at ang bansa katuwang si Pangulong Bongbong Marcos.


Giit ni VP Sara na nariyan umano siya ngayon dahil sa tiwala ng mga Pilipino upang mamuno at maglingkod sa kanila at sa bansa at hindi umano ito nalalason ng politika

Nanawagan ang pangalawang pangulo ng bansa sa alhat ngga lider na pagtuunan ng pansin ang kanilang trabaho na magawa at mag-iwan ng legasiya na malakas at stable na bansa.

Facebook Comments