Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang batas na magbibigay sa pamahalaan ng accounting o sistematikong pagsukat sa likas na yaman ng bansa.
Ang Republic Act No. 11995 o Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS) na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay naglalayong kilalanin, protektahan at isulong ang balanse ng ekolohiya at katatagan ng bansa.
Magtatatag din ito ng environmental & economic accounting frameworks na kinikilala sa buong mundo.
Nakapaloob dito ang datos sa pagkaubos, pagkasira at pagpapanumbalik ng natural capital; gastusin sa proteksyon ng kalikasan at polusyon.
Inatasan naman ni Pangulong Marcos ang Philippine Statistics Authority (PSA) Board na pamahalaan ang implementasyon nito.
Habang ang Department of Agriculture (DA) ay tutulong sa PSA sa pagbuo at pagbibigay ng National Capital Accounting (NCA) information na may kaugnayan sa mga lugar ng agrikultura at yamang pangisdaan at tubig.