Kaligtasan ng mga apektado ng Bagyong Aghon, pinatitiyak ni PBBM

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Local Government Units (LGUs), emergency services at lahat ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na i-monitor ang Bagyong Aghon habang patuloy itong umiiral sa bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, nakahanda na ang mga food & non-food items, serbisyong pangkalusugan at mga evacuation center para sa mga apektadong komunidad.

Nangako rin ang pangulo na uunahin ang kapakanan ng mga tao sa oras ng kalamidad.


Samantala, hinikayat naman ni PBBM ang publiko na maging mapagmatyag at bigyang prayoridad ang kaligtasan ng bawat isa, lalo na ang vulnerable sector o mahihina sa komunidad.

Facebook Comments