Batas para hindi magamit sa money laundering ang mga offshore games, isinusulong sa Kamara

Pinag-aaralan na ngayon ni House Committee on Dangerous Drugs Chair at Surigao Del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers ang paglikha ng batas para hindi magamit ang Philippine Offshore Gaming Operations o POGO sa money laundering.

 

Ayon kay Barbers, hindi dapat maging bulag ang Bureau Of Internal Revenue sa posibilidad na magamit ang offshore gaming ng mga drug syndicates at iba pang crime groups.

 

Aminado ang kongresista na may kita na nakukuha dito ang ahensya pero hindi dapat isantabi ang posibilidad na magamit ito sa krimen.


 

Natuklasan na modus ng mga Italian at Sicilian na mag-invest ng malaking halaga sa on-line gaming bilang paraan ng kanilang money laundering operations.

 

Iginiit nito na pareho ang nasabing paraan na ginagawa ng mga drug syndicate at ibang crime groups.

 

Karamihan anya dito ay mga mga iligalistang Chinese and Taiwanese nationals na pag-dating sa casino, ipapalit nila ito ng mga chips saka iwi-withdraw upang maging cash at pagbalik ng kanilang bansa ay sasabihing napanalunan sa casino.

 

Isusulong ni Barbers ang pagkakaroon ng mahigpit na rules and regulations upang matiyak na walang sindikato ang gagamit ng mga indibidwal upang magtayo ng pogo firms para makapagkamal ng pera sa iligal na paraan.

Facebook Comments