Batas para sa pagpapabuti ng mga detention cell, ipinanawagan ng NCRPO

  Manila, Philippines – Nanawagan sa mga mambabatas ang NationalCapital Region Police Office (NCRPO) na magpasa ng batas para sa pagpapabuti ngdetention cells sa Metro Manila.
  Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, lumobo naang bilang ng mga preso sa loob ng detention cell dahil na rin  sa laban ng gobyerno kontra iligal na droga.
  Sa talaan ng NCRPO, pumalo nasa 20,208 drug suspects angnaaresto at kada araw ay nasa 96 ang nahuhuli mula noong Hulyo noong nakaraangtaon hanggang Enero 2017.
  Ang apela ay para na rin sa kalusugan ng mga preso nangayo’y nagsisiksikan na sa loob ng mga kulungan.
 

Facebook Comments