Isusulong ng Commission on Election o COMELEC na magkaroon ng batas para i-regulate ang social media at labanan ang paggamit ng mga trolls sa panahon ng halalan.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, mahirap na ipatupad ang “Cybercrime Prevention Act of 2012” laban sa mga pekeng user na nagpo-post ng mga libelous comments o disinformation sa mga online platforms.
Aminado si Garcia na dahil sa kawalan ng batas na kumokontrol sa social media sa bansa ay walang kapangyarihan ang poll body na i-monitor ang online campaign expenditures ng mga kandidato.
Paliwanag pa ni Garcia na malalabanan ng panukala ang mga panloloko at pagdagsa ng online trolls tuwing eleksyon.
Matatandaan, sinabi ng isang fact-checking group sa pagdinig ng senado noong Pebrero na si Vice-President Leni Robredo ang pangunahing target ng disinformation sa social media.
Samantala, nananawagan din ang COMELEC sa kongreso na ikonsidera ang pagpasa ng batas na magpapahintulot sa “internet voting”.