Boston Celtics at Golden State Warriors, maghaharap sa NBA finals simula sa Biyernes

68

Plantsado na ang harapan ng Boston Celtics at Golden State Warriors sa NBA finals simula sa Biyernes.

Ito ay matapos talunin ng Boston ang Miami Heat sa iskor na 100-96 sa Game 7.

Mula sa first quarter hanggang sa matapos ang 4th quarter ay hindi bumitaw sa kalamangan ang Boston.


Nanguna sa Boston si Jason Tatum na nakapagtala ng 26 points habang sina Marcus Smart at Jalen Brown ay may tig-24 points.

Nasungkit din ni Tatum ang Most Valuable Player (MVP) sa Eastern Conference.

Samantala, ito ang unang pagkakataon na uusad sa NBA finals ang Boston makalipas ang 12 taon.



Facebook Comments