Batas Trapiko, Hinihigpitan!

Baguio, Philippines – Patuloy pa din nakabantay at hinihigpitan ng Highway Patrol Group – Cordillera o HPG CAR ang Road Safety Inspection sa syudad kung saan noong nakaraang linggo ng Pebrero 28 lang mayroon ng 22 na violators na nasita at binigyan na citation tickets; 24 na nahuli dahil lumabag sa traffic direction and control; 13 na overloading at 20 na lumabag sa RA 4136 o Land Transportation & Traffic Code.

Karagdagan din sa mga hinuhuli ng pulisya ang mga motoristang gumagamit ng hindi otorisadong wangwang at mga blinkers o led lights para naman sa oplan disiplinadong draybers.

Patuloy pa din na sinasabihan ang ibang mga motorista para hindi sila hulihin at nagpaalala din ang otoridad na sumunod sa batas trapiko lalo na sa mga roadside inspection tulad ng overloading at speeding para mabawasan ang aksidente sa kalsada.


iDOL, kapag pinara tayo otoridad titigil tayo ha.

Facebook Comments