Batasan Hills National High School, handa na ngayong balik-eskwela

Umarangkada na ngayong araw sa pagbabalik-eskwela dito sa Batasan Hills National High School sa Quezon City.

Kung saan nagsimula ng magsipagdatingan ang mga estudyante bilang pagsisimula ng face-to-face classes.

Ayon kay Head Teacher Cerillo Castillo Jr., pinatutupad na nga ang 100% face-to-face classes sa nasabing eskwela.


Dagdag pa niya, ito ay magkakaroon ng palitan ng araw ng pasok ang mga estudyante bilang pag-iingat na rin sa kanilang mag-aaral.

Aabot sa 18,000 hanggang 19,000 ang mga estudyanteng naka-enroll sa Batasan Hills National High School.

Kaya naman, malaki ang inaasahan na papasok ngayong araw lalo na sa pagsisimula muli ng face-to-face classes.

Pinaalalahanan din ang mga mag-aaral na magpabakuna kung hindi pa bakunado at ang bawat estudyante na magsuot ng mask, huwag makipagsiksikhan at maghugas ng kamay para na rin sa kaligtasan ng bawat indibibwal na estudyante bilang dagdag proteksyon na rin lalo sa panahon ng COVID-19.

Facebook Comments