Operasyon ng MRT-3, balik normal na matapos magkaaberya kanina

Naantala ang operasyon ng MRT-3 kaninang umaga na tumagal nang mahigit isang oras.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ito ay dahil sa abnormal signaling indication na naranasan sa Shaw Boulevard station.

Dahil dito, ipinatigil ang lahat ng operasyon ng mga tren malapit sa mga istasyon bilang pag-iingat habang inaayos din ang problema.


Naisaayos naman ang aberya bandang alas-6:52 ng umaga at nagbalik operasyon na ang MRT-3 pasado alas-6:58 ng umaga.

Humingi rin ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa idinulot na abala sa mga pasahero.

Facebook Comments