Batasang Pambansa, naghahanda na para sa SONA ni PRRD

Manila, Philippines – Puspusan na ang paghahanda sa Batasang Pambansa kung saan gaganapin ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.

Ayon sa Office of the Speaker, tinitiyak na lahat ng pagsasaayos, paglilinis ay matatapos bago ang mismong araw ng SONA.

Sabi naman ng Malacañan, na ang batikang film maker na si Joyce Bernal muli ang magdi-direk ng SONA ng Pangulo sa ikawalang pagkakataon.


Dalawang coordination meetings sa mga miyembro ng media ang isinagawa para malaman ang guidelines sa coverage ng event.

Bago ang SONA ng Pangulo, lahat ng mambabatas ay magsasama sa plenaryo ng Kamara para buksan ang unang regular session ng 18th Congress at ihahalal ang bagong house speaker.

Facebook Comments