Suspek sa pagpatay sa grade 7 student sa Calamba, Laguna, tumangay ng baril sa kanyang pinapasukang security agency

Tinutugis pa rin ng mga awtoridad ang suspek sa pagpatay sa isang grade 7 student sa Calamba, Laguna.

Ayon kay Calamba City Police Chief, Police Lieutenant Colonel Jacinto Malinao – napag-alaman nila na nag-AWOL ang suspek na si Renan Estrope Valderama sa pinapasukan nitong security agency.

Tinangay nito ang isang kalibre-38 na baril.


Inaalam na kung ang slug na nakita sa biktimang si Mark Anthony Miranda, 15-anyos ay galing sa itinakas na baril.

Kinakausap na rin nila ang ilang kaklase ng biktima.

Samantala, naghahanda na ang Department of Education o DepEd para sa psychological intervention para matulungan ang mga estudyanteng na-trauma sa insidente.

Facebook Comments