Tatanggap ngayong araw ng Lunes, March 27, 2023, ang mga kwalipikadong napabilang sa scholarship program ng Dagupan City pagktapos nitong muling dumaan sa masusing pagsusuri at pagproseso ng isinumiteng mga kinakailangang dokumento.
Matatandaan na nasa kabuuang bilang na 1, 254 ang mga nauna nang nakatanggap ng scholarship grants na P20, 500 na nakalaan sa pantustos sa kanilang pag-aaral. 781 ay nagmula sa unang batch, 264 naman sa pangalawa at 214 sa ikatlong batch.
Sa inilabas na listahan ng batch IV ngayon ay nasa animnapu’t-siyam o 69 ang makakatanggap ngayong araw.
Nagpapatuloy pa hanggang ngayon ang pagsusuri at pag veverify ng City Accounting Office ang ilang kawani ng gobyerno sa mga dokumento ng mga natitira pang old scholars ng lungsod, dahil kung kumpleto naman at naaayon ang mga ito sa sinusunod na IRR, maaari silang maging mapabilang sa mga eligible scholars ng Dagupan City.
Samantala, maaari nang magtungo ang mga kwalipikadong estudyante na may pangalan sa inilabas na listahan sa Facebook Page ng alkalde ng lungsod mamayang alas kwatro ng hapon sa City Mayor’s Office upang maclaim ang scholarship grants. |ifmnews
Facebook Comments