BANANA BOAT AT DRAGON BOAT EXPERIENCE, MAARI NG SUBUKAN SA DAGUPAN CITY

Sa mainit na panahon, ang unang nasa bucket list ng mga Idol natin ay mag –outing at maligo sa beach! Kaya naman hindi mo na kailangan lumayo pa dahil mag –eenjoy ka na sa beach experience with a thrill sa Bonuan Tondaligan Beach.
Outing man yan ng pamilya o team building niyong magkaka workmates, hindi mo na kailangan pang dumayo sa ibang beaches dahil dito mismo sa Dagupan City, maari niyo ng itry ang banana boat at dragon boat experience.
Ang banana boat at dragon boat ay hindi gumagamit ng makina sapagkat hinihila lamang ito ng isang bangka, at sasabay ito sa daluyong ng tubig pero makakasigurado kang safe ito sapagkat naka life vest ka.

Kaya ano pang hinihintay mo? Tara na sa Tondaligan Beach para mag dragonboat at banana boat ngayong summer na magpapalamig at magpapasaya sa mainit na panahon! |ifmnews
Facebook Comments