BATI NA | Aljur Abrenica at Robin Padilla, nagkapatawaran na daw

Manila, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon ay ibinihagi ni Aljur Abrenica ang paghaharap nila ni Robin Padilla, ama ng kanyang fiancĂ©e na si Kylie Padilla, nang magkita sila sa isang family dinner noong February 17, Sabado.

Pinaniniwalaang ang family dinner na iyon ay pamamanhikan na rin ng pamilya ni Aljur sa pamilya ni Kylie.

Say ni Aljur, marami daw silang magagandang napag-usapan kasama na dito ang planong pagpapakasal nila ni Kylie.


Bukod rito, humingi daw si Aljur at si Robin ng kapatawaran sa isa’t isa.

Sinabi pa ni Aljur na doon lang niya nakita si Kylie nang ganun kasaya.

Kasama nina Aljur at Kylie ang kani-kanilang pamilya, pati na ang anak nilang si Alas Joaquin.

Facebook Comments