UPDATED | 12 bilanggo nakatakas sa detention cell ng Jolo Municipal Police Station

Jolo, Sulu – Labing dalawang bilanggo ang nakatakas sa Jolo Police Detention Cell kaninang umaga.
Sa ulat ng pulisya alas-10:40 ng umaga kanina nang makatakas ang 29 na mga bilanggo habang nasa loob ng comfort room ang duty dentention guard.
Pero dahil agad na nagsagawa ng pagtugis ang mga pulis ay muling naaresto ang 17 bilanggo habang tuluyang nakatakas ang 12 pang bilanggo sa kabila ng mga warning shots na ginawa ng mga pulis.
Ayon kay Police Senior Inspector Jemar Delos Santos ang tagapagsalita ng PNP ARMM ang mga natakas ay kinilalang sina Herbert Bael, Radzmir Salahudin Nurhassan Taasan, Alim Misah, Abdulwahid Lipae, Junal Sali, Alvin Hamdi Al-Amil Kipili, Algamer Bantala, Muthamir Pangambayan, Khan Balang at Dante Abdulla.
Sa ngayon patuloy na tinutugis ng pulisya ang mga nakatakas na mga bilanggo habang nakikipag-ugnayan na rin sila sa lahat PNP units sa lalawigan at mga Barangay Officials para muling maibalik sa kulungan ang mga tumakas na bilanggo.

Facebook Comments