Batian ng ‘Pangit’, nauwi sa alitan; 16 anyos patay

1021
Still images from CCTV footage

Patay matapos barilin ng isang rider ang isang 16 anyos na lalaki sa Barangay 72, Tondo, Manila.

Kita sa CCTV ang tatlong magbabarkada na papalapit sa umaandar na motorsiklo na may dalawang angkas na babae at nang makalapit ay sinipa ng isang lalaki ang motor.


Hinabol pa ng tatlong binatilyo ang motor.

Maya-maya, nakitang bumalik ang rider, ipinara sa tabi ang motor, at saka hinabol at pinaputukan ang magbabarkada.

Nakatakbo ang tatlo, ngunit tinamaan pala ang isa sa kanila na kinilalang si “Monsod.”

Ayon sa pulisya, ikinamatay ni Monsod ang balang tumama sa balikat nito at bumaba sa baga.



Kuwento naman ng isa sa mga kaibigan ng biktima, kakilala niya ang isa sa mga sakay ng motor kaya binati niya ito ng “Pangit, kumusta na?” at kung ano-ano na raw ang sinabi ng suspek.

Pareho naman ito sa salaysay ng isa pang kaibigan ni Monsod na umaming nanggaling sila sa inuman kaya aniya bigla ring nag-amok si Monsod.


Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit namatay din habang ginagamot.

Facebook Comments