Ben Tulfo, tinirada si Anthony Taberna: ‘you are so corrupt’

3871
via Ben Tulfo and Anthony Taberna on Facebook

Sa programang Bitag, hinamon ng “gibaan” ng broadcaster at host ng programa, na si Ben Tulfo ang ABS-CBN journalist na si Anthony Taberna.


Kaugnay ito ng umanong paninira ni Taberna sa ACT-CIS, party list na suportado ng magkakapatid na Tulfo

“Ano’ng nangyari sa party list ni Erwin? Sumirit! Sinubukan kaming gibain sa pamamagitan daw ng plunder doon sa aming pinaggagawa… Kami may kontrata lang naman, sinunod ‘yung kontrata dahil may principle kami. ‘Yun ‘yung sinasabi nitong Anthony Taberna,” banat ni Tulfo.

Hinamon ng TV5 broadcaster ang Kapamilya reporter na ipakita aniya ang mga papel nito.

Kinuwestyon din ni Tulfo ang mga negosyo at mga pagmamay-ari ni Taberna.

“Once upon a time, sabit-sabit ka lang sa jeep, bus… all of a sudden, how come ang dami mo ng fleets ng mga sasakyan. Explain that to me now…”

Inakasuhan din ng host si Taberna na ‘corrupt.’




“Anthony Taberna, aligned with Tonio Trillanes… ‘Yung mga businesses mo… explain that to me. Kung titignan mo ang sweldo mo diyan sa iyong pagiging anchor sa radyo, milyones ba ang halaga niyan?”

“O ABS-CBN, paliwanag nga. Magkano ba suweldo niyan? Oh ngayon, sino’ng corrupt? Iba talaga pag sinasabing ‘attack and collect, defend and collect’.”

Ibinunyag din ni Tulfo na mismong kasamahan ni Taberna sa network ang nagbibigay sa kanya ng bala laban sa reporter.

“Mismong mga seniors mo, sinusuka ka. Ayaw kang paupuin, ayaw mabahiran.”

Sa ngayon, trending pa rin sa YouTube ang video ng episode na ito.

Facebook Comments