*Cauayan City, Isabela-* Pumanaw na habang ginagamot sa hospital ang kilalang brodkaster ng Cagayan na si Rene Antonio Cepeda sa edad na 65.
Si Cepeda o mas kilala sa tatay Rene ng kanyang ka-trabaho at estudyante ay idineklarang patay pasado alas 2:00 ng hapon, Nov. 27, 2019 sa Philippine Heart Center.
Siya ay naatake sa puso noong November 22, 2019.
Si tatay Rene ay kilala bilang malapit sa mga ordinaryong tao at taga pagpanday sa kaisipan ng mga estudyante.
Naging mayaman ang kanyang buhay mamahayag mula sa kanyang kabataan kung saan una siyang naging aktibo sa pagsusulong sa kapakanan at interes ng inaapi.
Nakulong siya noong panahon ng martial law.
Nakilala siya sa lambak ng Cagayan bilang beteranong anchor ng news and Public Affairs program sa isang radyo.
Bilang brodkaster, hinangaan din siya bilang dedikadong empleyado ng gobyerno habang naninindigan sa pagtatanggol sa kapakanan ng mga manggagawa sa pamahalaan, pagsusulong sa kalikasan at karapatang pantao.
Naiwan ni Rene Antonio Monje Cepeda ang maybahay nito na si Marieta Cuaresma-Cepeda at anak nilang si Carlos Adel.
Inulila rin ni tatay Rene ang mga anak niya na sina Ma. Lorena, Quintin Enrico at Maria Luisa.
Gayundin, nagdadalamhati ang kaniyang mapagmahal na ina na si Purificasion at mga kapatid na sina Edwin Lorenzo (Edwin), Maria Cristina (Joy), Dennis Thomas (Dondi) at Mary Rosary (Gay).