Batikang radio drama talent ng RMN na si Teban Daan, pumanaw na

Ang buong Radio Mindanao Networks Inc. at DYHP-RMN Cebu ay nagluluksa ngayon sa pagpanaw ng isa sa ating ka-Radyoman at magaling na radio drama talent sa industriya na si Julian “Teban” Daan.

Sa edad na 74 taong gulang, si Radyoman Teban ay matiwasay na iniwan ang kanyang pamilya at sumama na sa ating may kapal, alas 4:55 ng hapon, kahapon sa Chong Hua Hospital sa Mandaue City sa Cebu dahil sa heart failure at komplikasyon.

Isang malaking kawalan sa industriya si Radyoman Teban lalo na at kung may FPJ sa showbiz, si Nong Teban naman sa radio drama sa Kabisayaan.


Ayon kay Atty. Ruphil Bañoc, station manager ng DYHP RMN Cebu – isa nang haligi sa industriya ng radio drama si ka-Teban sa Visayas at Mindanao.

Samantala, sa kanyang FACEBOOK page, nagpaabot na rin ng pakikiramay si RMN Vice President for Operations Rico Canoy.

Ayon kay Mr. Canoy – si Teban ay isang prominente at talentadong voice actor, scriptwriter at director sa Visayan drama at radio industry, maging public servant.

Muli, ang aming taos pusong pakikidalamhati at panalangin para sa daan family.

Paalam, Radyoman Teban.

Facebook Comments