Bato Dela Rosa, sinabing war on drugs ang dahilan ng kaniyang pagkapanalo bilang Senador

207
Courtesy of Ronald "Bato" Dela Rosa Official Facebook Page

Pinahayag ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na ang ‘war against drugs’ sa ilalim ng administrasyon ni Duterte ang dahilan ng kaniyang tagumpay na makasama sa Magic 12 sa senatorial race nitong Halalan 2019.

Sa loob ng dalawang taon na panunungkulan bilang chief ng Philippine National Police (PNP) noong Hulyo 2016 hanggang Agosto 2018, umabot sa labindalawang libo ang namatay ayon sa website ng Human Rights Watch.

Sinabi rin Dela Rosa na number 1 siya Metro Manila, kung saan pinaka-tinamaan ng war on drugs.

“Edi expected mo sana kung galit sakin ang tao nasa kangkungan sana ako ngayon. Number 1 ibig sabihin nagustuhan nila yung war on drugs,” dagdag pa ni Dela Rosa.

Nasa ikalimang puwesto si Dela Rosa sa senatorial race at may 19 na milyong boto.

Facebook Comments