TIGNAN: Louis Vuitton Pingpong Set na 116,000 pesos ang presyo

Image via Louis Vuitton page

Inilabas ng Louis Vuitton ang kanilang bagong design na ‘Pingpong Set James’ na nagkakahalagang 2,210 US dollars or mahigit 116,000 pesos.

Maaring dalhin sa biyahe ang kanilang two-paddle set na gawa sa mamahaling leather, canvas, at kahoy. Meron rin itong kasamang holder para sa bolang maliliit.

Mapapansin rin sa ‘Pingpong Set James’ ang  “exclusive cover crafted of masculine Monogram Eclipse canvas, accented with an LV Circle medal.”


Kabilang ang table-tennis set sa mamahaling gamit na pinakita ng sikat na luxury retail company ngayong taon. Nitong Enero, inanunsyo nila ang ginawang logo-clad wireless earbuds na ang presyo 1000 US Dollars or 52,000 pesos.

 

Facebook Comments