Ipinagtanggol ni Senator-elect Ronald “Bato” dela Rosa ang desisyon ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Oscar Albayalde na pagsalitain si Peter Joemel Advincula alyas, ang ‘Bikoy’ sa “Totoong Narco-list” video.
Sa isang press conference, sinabi ni Bato na pagsalitain man o hindi si Bikoy, mayroon pa ring masasabi kontra sa PNP.
“May tinatago ang PNP, hindi hinayaan si Bikoy na magsalita. Ngayong pinagsasalita, sasabihn ng media na si Bikoy ginagamit ng PNP as a propaganda instrument sa administration. Sa’n pupunta ang PNP ngayon?” pahayag ng senador.
“So in the interest of transparency, tama ‘yung ginawa ni Albayalde,” dagdag nito.
Sinabi rin ng senador na ang mahalaga ay wala umano sa isip ng PNP na gawing propaganda si Bikoy.