Isang 19-taong gulang na Filipino immigrant, nanalo ng US national research award

336
Image via Sunstar Tacloban sunstar.com.ph

Si Alyssa Marie Rivera, 19-taong gulang na nag-migrate sa Estados Unidos, ay isa sa mga nanalo sa 2019 Goldwater Scholarship and Excellence in Education Foundation.

Kumukuha siya ng biochemistry major sa California State University, Fresno: College of Science and Math.


Isa si Rivera sa 496 na estudyante sa Estados na nanalo ng ‘highly competitive and prestigious national research award’.

“Incredibly honored to have been named a 2019 Barry Goldwater Scholar and represent Fresno State at such a prestigious level!” pahayag ni Rivera sa kaniyang post sa social media.

Nakapagtapos si Rivera ng pre-school sa St. Therese Christian Development Center Foundation Incorporated sa Tacloban.

Isang former nurse sa Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban City ang kaniyang ina na si Veronica Salvacion-Rivera bago sila mag-migrate sa Estados.

Facebook Comments