Manila, Philippines – Abante pa rin ang Women’s At Rising Stars kontra sa
Veterans Team papunta sa huling round ng Battle of the Legends Chess
Tournament.
Lamang pa rin kasi ang koponan na pinangungunahan ni WGM Janelle Mae Frayna
107-85 kontra naman sa koponan nina International Master Barlo Nadera.
Nagawang makahabol ang mga beterano matapos nilang walisin ang Women’s at
mga upcoming star sa Rapid chess event ng torneo, 53-43 para manatiling
buhay sa torneo.
Pero kailangan maka-score ng 69 points sa Blitz events ang Veterans team
para mabura ang lamang at makuha nila ang panalo sa kauna-unahang team
chess event sa pangunguna ng Chess Events Internationale, PACE at Artillery
Foundation of the Philippines at suportado ng National Chess Federation of
the Philippines.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>