Kalaboso ang limang scalper na nagbebenta ng mga tiket sa finals game ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa pagitan ng Ateneo de Manila University (AdMU) at University of the Philippines (UP).
Naaktuhan ng mga nakasibilyang pulis ang lima na nagbebenta ng mga tiket sa presyong mas mataas sa itinakdang presyo malapit sa Araneta Coliseum kung saan idinaos ang laro.
Idineretso ang lima sa Quezon City Police District (QCPD) sa Camp Karingal para isailalim sa imbestigasyon.
Una nang naglabas ng direktiba si Metro Manila Police Chief Director Guillermo Eleazar laban sa mga scalper na nananamantala sa basketball game ng UAAP.
Facebook Comments