Muling iginiit ni BOC Commissioner Isidro Lapeña na mahigpit ang kanyang direktiba sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng ahensiya na magsasagawa sila ng lifestyle check sa mga officials at personnel ng BOC alinsunod sa kautusan ni Pangulong Duterte na sawatain ang mga kurapsyon sa kanyang administration.
Una rito nagpalabas ng unang pahinang sulat ang isang grupo kung saan hinihikayat si Lapeña na tingnan ang kayamanan nina Jimmy Guban, customs intelligence officer na naimbestigahan sa P6.8-billion shabu shipment sa Senado at Atty. Lourdes Mangaoang, nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na inaakusahang pinagmulan ng source of information sa drug shipment.
Base anila sa Facebook accounts nina Guban at Mangaoang, ang naturang mga officials ay nagkakaroon umano ng mga luxury cars at malalaking bahay at madalas mag-travel kasama ang kanilang mga kamag-anak at kaibigan sa ibang bansa.
Paliwanag ni Lapeña hindi nito kukunsintihin ang sinumang opisyal at personnel’s ng BOC na mapapatunayang nagmamalabis sa kanilang mga kayamanan na nakuha sa ilegal na gawain.