BAWAL ANG KORAP | Sec. Piñol, nagpa-lifestyle check

27

Nagpa-lifestyle check sa Presidential Anti-Crime Corruption o PACC si Agriculture Manny Piñol.

Ayon kay Piñol, kasama ng kanyang ipinadala sa PACC ang nilagdaan nitong waiver na nagpapahintulot na makita ang kanyang pitong bank accounts sa apat na bangko.

Aniya, mas mabuting buksan niya sa mga awtoridad ang kaniyang financial statement kaysa mawala siya sa pwesto ng walang laban.

Sabi pa ni Piñol, mas mainam na ito kaysa sumagot siya sa mga paratang na may tago siyang yaman.

Kasabay nito, hinikayat ni Piñol ang iba pang kawani ng gobyerno na magpa-lifestyle check bilang tulong na rin sa kampaniya kontra katiwalian.

Facebook Comments