PLUNDER CASE | Bong Revilla, hahatulan na ngayong araw

80

Inaasahang ilalabas na ngayong araw ng Sandiganbayan ang hatol sa kasong plunder ni dating Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. kaugnay ng pork barrel scam.

Ito ang magiging unang hatol sa kaso na may kaugnayan sa tinaguriang utak ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.

Bukod kay Revilla, dedesisyunan din ngayong araw sa kahalintulad na kaso ang dati niyang chief of staff na si Atty. Richard Cambe at si Napoles.

Samantala, patuloy namang umaasa ang kampo ni Revilla na not guilty ang magiging desisyon ng korte kung saan idinadaan nila sa dasal ang paghihintay nila ng hatol.

Facebook Comments