Cauayan City, Isabela- Sisimulan na Enero 1 sa susunod na taon ang implementasyon ng kakapasang ordinansa ng Probinsya ng Batanes, ang ‘Bawal ang Plastik’.
Ito ay batay sa inilabas na ordinansang bilang 302 series of 2020 na nilagdaan ni Governor Marilou Cayco.
Nakasaad sa ordinansa,pinapayagan naman ang ilang paggamit ng plastik sa mga pangunahing ibinebenta sa merkado gaya ng soda/ water bottles na may 500ml pataas, mga gawa ng DOST o ‘Biodegradable’ na ginagamit para sa wet goods.
Ilan din sa mga plastik ay ang gamit sa paggawa ng yelo, ice candies, yellow ginger, sugar, salt, pepper at maging local condiments gayundin ang mga supot na ginagamit sa paggawa ng tinapay maging paggamit ng styro foam/ container para sa cold storage, pre-packed juices with stirrers, labo plastic wrapper.
Hinihimok din ang publiko ng lokal na pamahalaan ng Batanes para sa ‘Bring your own Bag’ Policy kung sakaling magtutungo sa mga establisyimento at mga pampublikong palengke.
Sa kabila nito, pagmumultahin naman ang isang indibidwal na magkakalat sa mga pangunahing lansangan, beaches, tourist sites, at maging mga pampublikong lugar.
Sa unang pagkakasala, magkakaroon ng ‘warning’, ikalawa ang multa na P500 at ikatlong multa ay P1,000.
Hindi rin ligtas sa ordinansa ang mga malalaking establisyimento gaya ng grocery store, wholesale at retail store, caterer, hotel, at restaurant owners na posibleng pagmultahin din kung lalabag at kaakibat nito ang (1st offense: warning; 2nd offense: P2,000; 3rd offenseP3,000).
Mahaharap din sa multa ang mga turistang bibisita sa lugar kaakibat ang (1st offense: P500; 2nd offense: P1,000; 3rd offense P2,000).
Paraan ito ng pamahalaan para maiwasan ang lalo pang paggamit ng plastik ngayong karamihan sa mga lugar sa bansa ay ipinapatupad na ito.