Manila, Philippines – Ipinagpaliban muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng High Occupancy Vehicle (HOV) traffic scheme sa EDSA.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, nag-desisyon silang kanselahin ang HOV policy kasunod na rin ng resolusyon ng Senado na kumokontra sa naturang traffic scheme dahil sa reklamo na rin ng mga motorista.
Pero nilinaw ni Garcia na tuloy pa rin ang dry run ng HOV traffic scheme tuwing rush hours hanggang August 22.
Sa ngayon, hihintayin na lamang nilang mag-convene at magdesisyon ang Metro Manila Council (MMC) na may kapangyarihang ipatigil o baguhin ang nasabing traffic scheme.
Facebook Comments