BAWAL ANG TIWALI! | Administrasyong Duterte, hindi pinalalampas ang mga tiwaling pulis – Malacañang

Manila, Philippines – Pinatunayan ng Palasyo ng Malacañang na hindi pinalalampas ng Administrasyong Duterte ang mga tiwaling miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay sa harap na rin ng madalas na napapabalita na nahuhuling mga pulis na sangkot sa ibat-ibang kaso.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mula noong 2016 hanggang ngayong taon ay umabot na sa mahigit 2100 na pulis ang nasibak sa serbisyo dahil sa ibat-ibang kaso at nasa 353 sa mga ito ang sangkot sa iligal na droga habang ang mahigit 1800 naman ay sangkot sa mga seryosong kaso.


Bahagi aniya ito ng nasa 6401 na pulis na kinasuhan na naresolba na kung saan kabilang sa mga kaso ay mga criminal activities, grave misconduct, serious neglect of duty, malversation, dishonesty at graft and corruption.

Facebook Comments